Ginebra wagi kontra Magnolia sa PBA Commissioner’s Cup

Pinataob ng Barangay Ginebra Gin Kings ang Magnolia Hotshots sa kanilang naging tapatan kagabi para sa 2018 PBA Commissioner’s Cup na ginanap sa Smart Araneta Coliseum.

Dahil dito umangat nang bahagya ang Gin Kings sa standings ng torneo matapos magkaroon ng 3-5 win-loss record. Sa ngayon ay nasa ika-9 na pwesto na ang naturang koponan.

Samantalamg bumaba sa ikaanim na pwesto ang Hotshots na mayroong 4-5 win-loss record.

Pinangunahan ni Justin Brownlee ang Ginebra sa pamamagitan ng kanyang game-high score na 35 points, 8 rebounds, at 4 assists. Tumulong rin si LA Tenorio na nakapagtala naman ng 22 points, 6 rebounds, at 5 assists.

Samantala, si Justin Jackson naman ang nanguna para sa Hotshots matapos niyang makapagbigay ng 21 points, at tig-15 rebound at assists.

Read more...