Bela Padilla itinangging masamang impluwensya siya kay Maris Racal

Pinalagan ni Bela Padilla ang mga alegasyong tila masama ang naging impluwensya niya kay Maris Racal.

Nagmula ang naturang paratang matapos sabihin ng isang netizen na nag-iba ang ugali ni Maris simula nang maging kaibigan niya si Bela.

Ayon sa naturang netizen, masyadong liberated si Bela kaya naimpluwensyahan nito ang batang aktres.

Pinansin din ng mga netizen ang sexy gown ni Maris sa Mega Millennial Ball kamakailan.

Sa serye ng Twitter posts ni Bela, sinabi ng aktres na hindi sila madalas magkita ni Maris.

Aniya pa, sa edad niya ngayong 27 ay nananatili pa rin siyang responsable sa kanyang sarili, bagaman aminadong lumalabas para uminom. Ngunit paglilinaw naman ni Bela, umiinom lamang siya sa labas kapag mayroon siyang kasamang driver na maghahatid sa kanya pauwi.

Patungkol naman sa pagiging liberated, sinabi ni Bela na wala namang masama sa pamumuhay nang malaya mula sa mga itinatakda ng lipunan at tradisyunal na ideals.

Read more...