BanKo-Perlas wagi kontra Pocari-Air Force sa PVL

Pinataob ng BanKo Perlas Spikers ang Pocari Sweat-Air Force Lady Warriors sa kanilang naging tapatan para sa Premier Volleyball League Reinforced Conference quarterfinals na ginanap sa FilOil Flying V Centre.

Natapos ang laban sa iskor na 25-19, 25-14, at 25-22 pabor sa Perlas Spikers.

Dahil dito nangunguna ngayon ang nasabing koponan sa quarterfinals, habang natamo naman ng Lady Warriors ang kanilang unang pagkatalo.

Pinangunahan ni Kia Bright ang Perlas Spikers matapos niyang magtala ng 19 na puntos.

Read more...