Josh itinuturing na ama si Kris Aquino

Bago pa man dumating ang Father’s Day ay sinorpresa na agad ng panganay na anak ni Kris Aquino na si Josh ang kanyang ina.

Sa isang Instagram post ni Kris, ibinahagi nito ang isang activity sheet na sinagutan ni Josh sa kanyang therapy session.

Sa naturang activity sheet ay pinangalanan ni Josh ang kanyang ama bilang si Kris.

Ayon kay Kris, wala siyang pinatatamaan sa kanyang pagpopost ng activity sheet ni Josh ngunit ipinapakita lamang niya ang kanilang realidad bilang isang single mother na nagtataguyod ng dalawang anak.

Umani ng positibong reaksyon ang naturang post mula sa mga netizen at tagahanga ng aktres.

Matatandaang aktor na si Phillip Salvador ang biological father ni Josh na na-diognose naman na mayroong autism.

Read more...