Sugatan ang tatlong miyembro ng isang pamilya matapos na mabagsakan ng malaking tipak ng bato ang kanilang sasakyan sa Tuba, Benguet.
Halos matakpan ng tipak ng bato ang Toyota Fortuner ng mga biktima habang binabagtas nila ang Kennon Road, Linggo ng umaga.
Batay sa imbestigasyon ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Cordillera, 10 talampakan ang taas ng batong bumagsak sa saksakyan pasado 11:00 ng umaga.
Kaagad namang naisugod sa Baguio General Hospital ang mga biktima na kasalukuyan pa ring nilalapatan ng lunas.
Nabatid na una nang isinara ang naturang kalsada noong Biyernes dahil sa rockfall pero muling binuksan nitong Sabado.
Pinapayuhan naman ng DPWH ang mga motorista na dumaan sa Naguilian o Marcos Highway bilang alternatibong ruta.