8 dakip sa droga at armas sa Port area, Manila

Inquirer file photo

Huli sa iba’t ibang kinasasangkutang krimen ang walong indibiduwal sa Baseco compound, Port area, Manila.

Kabilang sa mga paglabag na naitala ng Ermita Police Station-5 laban sa mga suspek ay Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act 0f 2002) at Republic Act 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act).

Nangyari ang pag-aresto pasado 12:30 madaling araw ng Linggo, June 17, 2018 na ikinasa ng elemento ng Station Drug Enforcement Team ng MPD sa pangunguna ni Police Chief Inspector Dionelle Brannon.

Kinilala ang mga nasakote na sina Danilo Obena, 38-anyos; Reyner Drona, 24; Francis Cesista, 28; Angelo Gabuat Jr. 24; Japsi Guillen, 25; Jackie Butokan, 28, Christoper Galit, 45 at Joel Rosco, 41-anyos.

Nabawi mula sa mga suspek ang 15 piraso ng plastic sachet na naglalaman ng shabu, isang piraso ng aluminum foil, isang improvised glass tube at isang 500 pesos bill na ginamit ng mga otoridad bilang buy-bust money, at isang air rifle.

Kasalukuyan nang napiit ang mga suspek sa Ermita Police Station.

Read more...