1 patay, 7 sugatan sa motocross competition sa Davao del Norte

Isa patay habang pito ang sugatan sa nangyaring aksidente kasabay ng karera ng motorsiklo sa Carmen, Davao del Norte.

Ayon kay Southern Mindanao police spokesperson Chief Insp. Milgrace Driz, kinilala ang namatay na si Tirso Casuga, 26-anyos.

Kwento nito, nanonood si Casuga kasama ang iba pa sa motocross competition sa Carmen National High School grounds sa Purok 6, Barangay Ising dakong 3:30, Sabado ng hapon.

Sa kasagsagan ng kompetisyon, nawalan ng kontrol ang isang motorcyle driver na si Kent Jerecho Dimaano, 18-anyos, kung kaya’t bigla itong lumiko dahilan para mapunta sa mga manonood.

Sugatan sa aksidente sina Gretchen Lagat, 28-anyos, Efren Abella Jr., 27-anyos, Christian Taba, 15-anyos, Jazhin Generoso, 13-anyos, Jeric Tranquilan, 18-anyos at, Christian Corton, 15-anyos.

Sa ngayon, nagpapagamot na ang mga sugatan sa isang lokal na ospital.

Sinabi rin ng opisyal na tuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya sa aksidente.

Read more...