Davao Occidental, niyanig ng magnitude 5.4 na lindol

Credit: Google

Tumama ang magnitude 5.4 na lindol sa Davao Occidental, Linggo ng umaga.

Batay sa inilabas na impormasyon ng Phivolcs, naitala ang episentro ng lindol sa layong 21 kilometers North ng bayan ng Jose Abad Santos.

Naramdaman ang pagyanig dakong 10:39 ng umaga.

Tectonic ang dahilan ng lindol na may lalim na 122 kilometers.

Read more...