Ceasefire sa pagitan ng gobyerno at Taliban sa Afghanistan, pinalawig pa

AFP photo

Pinalawig pa ng Afghan government ang ceasefire kasama ang Taliban sa kabila ng nangyaring suicide bombing sa Jalalabad, Afghanistan.

Ayon kay provincial governor spokesman Attaullah Khogyani, hindi bababa sa 25 katao ang namatay habang 54 naman ang sugatan sa pag-atake sa Rodat district, Nangarar.

Sama-samang nagdiriwang ng ikalawang araw ng Eid al-Fitr ang mga sibilyan, pulitiko, security forces at Taliban members nang sumiklab ang pag-atake.

Dahil dito, nakiusap si President Ashraf Ghani sa Taliban na palawigin ang three-day ceasfire na nakatakda sanang matapos sa Linggo ng gabi.

Sa ngayon, wala pang tugon ang Taliban fighters sa anunsiyo ni Ghani.

Gayunman, ipinag-utos pa rin ni Ghani sa pwersa ng gobyerno na manatilihin ang kanilang defensive positions.

Dahilt dito, epektibo na ang ceasefire ng gobyerno hanggang sa araw ng Martes.

Read more...