Drug pusher, patay sa buy-bust ops sa Parañaque

Inquirer file photo

Dead-on-the-spot ang isang hinihinalang drug pusher sa ikinasang buy-bust operation sa Parañaque pasado 5:00, Linggo ng madaling-araw.

Nasawi ang suspek na kinilalang si alyas “Boy Tattoo” matapos manlaban umano sa otoridad sa bahagi ng damuhan sa C5 extension.

Ayon sa Parañaque PNP, agad ang suspek sumakay sa kaniyang bisikleta nang matunugang pulis ang katransakyon.

Habang tumatakas ang suspek, bumaril umano ang suspek sa mga otoridad.

Dahil dito, gumanti ng putok ng baril ang pulisya dahilan para mamatay ang suspek.

Nakuha sa suspek ang isang baril at bisikleta nito.

Read more...