Miyembro ng ASG patay sa engkwentro sa Sulu

INQUIRER FILE PHOTO

Napatay ang isang bandidong miyembro ng Abu Sayyaf Group matapos ang dalawang labanan na sumiklab sa Sitio Salih, Barangay Panglahayan sa Patikul, Sulu kahapon, Sabado.

Ayon kay 32nd Infantry Battalion commanding officer Lt. Col. Ronaldo Mateo, unang sumiklab ang engkwentro sa pagitan ng mga sundalo at mga bandidong Abu Sayyaf bandang alas-3:20 ng hapon ngunit walang casualty ang naitala.

Gayunman, sa engkwentro na sumiklab bandang alas-6:30 ng gabi, napatay na ang isang bandido na hindi pa alam ang pagkakakilanlan sa kasalukuyan.

Nasamsam ang ilang mga improvised explosive device at personal na mga gamit matapos ang dalawang magkahiwalay na engkwentro.

Read more...