Walang-tigil na pag-ulan nagpabaha sa Dinalupihan at Hermosa sa Bataan

Nalubog sa baha ang mga bayan ng Dinalupihan at Hermosa sa Bataan dahil sa halos walang-tigil na pag-ulan sa mga nakalipas na araw.

Ayon kay Bataan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) Chief Weng Soriano, sinabayan ng high tide sa mabababang lugar ang pag-ulan na nagdulot ng pagbaha.

Kailangan ng bangka ng mga taong pupunta sa Hermosa dahil abot sa bewang ang baha rito ayon kay Soriano.

Sanay na anya ang mga residente partikular sa Barangay Almacen sa pagbaha kaya’t ang mga may dalawang palapag na bahay ay lumilipat lamang sa second floor ng kanilang bahay at nakikituloy sa mga kaanak ang may single-storey houses.

Bagaman lubog sa tubig ay wala namang ‘untoward incident’ at mga lumikas ang naitala sa dalawang bayan.

Sa datos ng PDRRMO ang mga sumusunod na lugar ay binaha.

Sa Dinalupihan:

– Mabini Extension: 2 hanggang 3 talampakan
– Padre Dandan: 1 hanggang 2 talampakan
– Santa Isabel : 1 hanggang 1.5 talampakan

Sa Hermosa

– Barangay Almacen: 4 hanggang 4.5 talampakan
– Barangay Daungan: 3 hanggang 3.5 talampakan
– Barangay Pulo: 3 talampakan
– Sitio Maligaya: 2 talampakan

Read more...