Presyo ng diesel, gasolina at gaas tataas sa susunod na linggo

Makaraan ang dalawang sunod na pagpapatupad ng price rollback magtataas naman sa susunod na linggo ang mga oil companies ng kanilang mga produkto.

Sa advisory na kanilang ipinadala sa Department of Energy, aabot sa P0.40 kada litro ang dagdag sa presyo ng diesel.

Aabot naman sa P0.30 ang magiging dagdag sa bawat litro ng gasolina samantalang P0.50 sa kada litro ng kerosene o gaas.

Sa umaga ng Martes inaasahang ipatutupad ang nasabing price increase.

Sinabi ng DOE na walang pagbabago sa halaga ng auto LPG at cooking gas dahil nananatiling stable ang presyo nito sa merkado.

Tiniyak rin ng kagawaran na patuloy ang kanilang gagawing random check sa mga gasoline station para matiyak na tama ang calibration ng mga ito.

Read more...