Puspusan ang clearing operations sa lalawigan ng Aurora na unang sinalanta ng bagyong Lando sa lakas na umabot ng pagbugsong nasa 210kph.
Ngunit agad mang kumilos ang Provincial Risk Reduction and Management Council ng lalawigan, sinabi ni Gov. Gerardo Noveras na maaaring abutin pa ng dalawang linggo bago maibalik ang suplay ng kuryente.
Ayon kay Noveras, maraming mga poste ng kuryente ang nagbasakan maliban pa sa mga kawad ng kuryente na nagkasura-sira din.
Ngayong araw na ito sisikapin ng mga tauhan ng PDRRMC ng Aurora na puntahan ang mga lugar na walang komunikasyon pa sa provincial government.
Ala una ng madaling araw kahapon nang mag-landfall ang bagyong Lando sa Casiguran, Aurora. Nagtagal Ito ng halos sampung oras sa Aurora sa bilis na tatlong kilometro bawat oras.