Pero may kundisyon na ibinigay ang pangulo at ito umano ay dapat nilang sundin.
Ayon kay Duterte, malaya ang lahat na maglabas ng kanilang saloobin sa mga isyu sa bansa pero walang karapatan sinuman ang manggulo para lamang sa kanyang gustong ihayag sa publiko.
Kapag sinamahan umano ng panggugulo ang anumang uri ng kilos-protesta ay kakaharapin na nila ang pwersa ng pamahalaan.
Sa kanyang mga naunang pahayag ay sinabi ng pangulo na may kalayaan ang bawat Pinoy na siya pansinin lalo na sa mga polisiya ng kanyang administrasyon.
Pero naglabas naman siya ng babala sa mga dayuhan na mang-aalispusta sa kanya at ito daw ay hindi niya palalagpasin.
Ang SONA ng pangulo ay nakatakda tuwing ikatlong Lunes ng buwan ng Hulyo kasabay ng pagbubukas ng sesyon ng Kamara at ng Senado.