Ayon kay Inday Sara, naging mahigpit si ‘Digong’, kung tawagin nito sa social media pagdating sa kaniyang pag-aaral at trabaho.
Gayunman, hindi aniya siya nagrereklamo sa paraan ng pagpapalaki ng pangulo para makatapos ng pag-aaral.
Nagpasalamat pa si Sara dahil kung hindi dahil sa kanyang ama ay hindi siya maging abogado katulad nito.
Dagdag pa ni Sara, wala siya sa kaniyang pwesto ngayon kung hindi dahil sa kaniyang ama at ina.
Sinabi pa nito na nakuha niya ang aniya’y ‘twisted sense of humor’ at pagiging pukpok ng ama para makamit ang tagumpay sa buhay.
Ito aniya ang nakakatulong sa kaniyang pamumuhay.
Nakatakdang ipagdiwang ng Father’s day bukas, June 17.