Aktibidad ng China sa West Philippine Sea paiimbestigahan sa Senado

AP

Dalawang komite sa Senado ang magsasagawa ng public hearing kaugnay ng polisiya ng gobyerno sa West Philippine Sea.

Ito’y sa gitna ng patuloy na militarisasyon ng China sa nasabing teritoryo.

Ang pagdinig ay pangungunahan ng Senate Committee on Foreign Relations ni Senator Loren Legarda alinsunod sa dalawang resolusyon na inihain nina Senator Antonio Trillanes at Bam Aquino.

Sa kanyang Senate Resolution number 723, nais pa-imbestigahan ni Trillanes ang pagtatayo ng China ng missile system sa tatlong outposts sa Spratly’s.

Sa nasabi ring resolusyon ay iginiit ni Aquino na kailangang protektahan at i-preserba ang interes ng bansa sa pinagtatalunang teritoryo.

Ang komite ni Legarda ay sasamahan ng Senate Committee on National Defense and Security ni Senator Gringo Honasan.

Read more...