100 tambay sa Tondo inaresto ng MPD

Inquirer file photo

Aabot sa isang daan katao ang hinuli ng Manila Police District Office sa magkakahiwalay na operasyon sa Tondo, Maynila.

Sinabi ni Senior Inspector Edwin Fuggan, hepe ng Delpan Police Community Precinct karamihan sa mga dinampot ay mga nag-iinuman at naninigarilyo sa kalsada habang ang iba ay mga naka-hubad na paglabag sa ordinansa ng lungsod.

Lima katao din ang nahulihan ng hinihinalang shabu.

Matapos isailalim sa beripikasyon, agad ding pinauwi ang ilan sa mga nahuli habang ang ibang lumabag sa ordinansa ay isasailalim pa sa inquest proceedings.

Nauna nang inutusan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Philippine National Police na hulihin ang mga tambay sa lansangan kasama na rin ang mga nakahubad bilang bahagi ng mas pinag-igting na kampanya kontra kriminalidad.

Tinayak naman ng PNP na igagalang nila ang karapatan ng kanilang mga maaaresto.

Read more...