Nagsagawa ng simulated missile attack ang Chinese Navy sa hindi tinukoy na lugar sa South China Sea.
Gumamit umano ng tatlong target drones at pinalipad ng ship formation pero magkakaiba ang distansya.
Ang military drill ay bahagi ng paghahanda ng nasabing bansa para sa isang “real-life combat” partikular na sa himpapawid.
Nauna nang nagpahayag ng pagkabahala ang U.S sa nangyayaring militarisasyon sa South China Sea.
Katunayan, ipina-abot ito ni US Secretay of State Mike Pompeo sa Chinese government sa kanyang pagbisita doon noong huwebes.
Ipinagtanggol naman ni Pompeo ang paglalayag ng barko ng Amerika at paglipad ng mga fighter jet sa nasabing lugar.
Giit ng opisyal na kailangan ang ganitong aksyon para mapigilan ang China sa paglilimita sa paglalayag sa South China sea.