Tuloy ang pagsita at paghuli ng mga tauhan ng pulisya sa mga tambay sa mga lansangan lalo na sa gabi.
Pero tiniyak naman ni Philippine National Police Chief Oscar Albayalde na dadaan sa proseso at irerespeto ang karapatang pantao ng mga ito.
Nilinaw rin ni Albayalde na alam ng kanyang mga tauhan kung ano ang gagawin sa pagpapatupad ng kanilang tungkulin partikular na ang police procedures.
Hindi na rin umano bago ang nasabing direktiba ng pangulo dahil matagal na ring ipinagbabawal ang pag-iinuman sa mga lansangan at ang hindi pagsusuot ng damit sa mga pampublikong daan.
Maliban dyan ay sinabi pa ng opisyal na marami na rin namang mga local government units ang nagpapatupad ng kani-kanilang mga ordinansa laban sa mga tambay sa mga kalsada.
Nauna dito ay sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na inatasan niya ang PNP na hulihina ng mga naka-istambay sa mga kalye na umano’y madalalas na pasimuno sa mga kaguluhan sa mga Barangay.
Maliban dyan ay mga tambay rin umano ang madalas na nagtutulak ng droga.
Sa mga lalabag sa kanyang kautusan, sinabi ni Duterte na hindi siya magdadalawang-isip na itapon sa Pasig river ang mga pasaway.