Aminado ang Department of Transportation na bumaba ang fuel subsidy ng gobyerno para sa mga tsuper ng jeepney.
Ipinaliwanag ni DOTr Usec. Tim Orbos na naapektuhan ng buwis sa Train Law ang P970 Million budget para sa fuel subsidy na napapakinabangan ng halos ay 180,000 na mga jeepney sa bansa na mayroong kaukulang prangkisa.
Pero sa kabila nito ay tiniyak naman ng DOTr na tuloy sa susunod na taon ang ipinangakong P10,000 subsidy sa bawat jeepney at sa taong 2020 ay itataas pa ito sa P20,000.
Sa kanilang panig, sinabi naman ng iba’t ibang jeepney organizations na kulang ang nasabing subsidy ng gobyerno dahil patuloy rin sa pagtaas ang halaga ng spare parts ng kanilang mga sasakyan pati na rin ang basic commodities.
Nauna nang nagbanta ang ilang mga transport operators na isusulong pa rin nila ang hirit na dagdag singil sa pasahe ng mga pampublikong sasakyan partikular na sa mga jeepney.