Joma Sison tinawag na “spoiled brat” ni Lorenzana

(AP Photo/Andrew Medichini)

Kinastigo ni Defense Sec. Delfin Lorenzana ang pagiging “spoiled brat” ni Communist Party of the Philippine founding chairman Jose Maria Sison.

Sinabi ng kalihim na hindi bagay kay Sison ang maging out of touch at hindidapat umasta na parang bata.

Reaksyon ito ni Lorenzana sa pagmamaktol ni Sison at paninisi sa pamahalaan kaugnay sa muling pagpapabalam sa peace talks na nakatakda sanang umusad sa June 28.

Nauna dito ay sinabi ni Presidential Adviser on the Peace Process Sec. Jess Dureza na kukunsultahin muna nila nag publiko kung pabor ba ang mayorya ng mga Pinoy na isulong pa ang peace process sa komunistang grupo.

Imbes na magpakita ng kanyang ego, pinayuhan ni Lorenzana si Sison na humanap ng mga paraan kung paano maitutuloy ng usapang pangkapayapaan na magiging katanggap-tanggap sa publiko.

Magugunitang kinastigo rin kamakailan ng pangulo ang teroristang grupo dahil sa kanilang patuloy na paglusob sa ilang mga vital installations ng pamahalaan.

Sinabi rin ni Pangulong Rodrigo Duterte na dapat itigil ng mga kasapi ng CPP-NPA ang kanilang pangongotong sa mga lalawigan na umano’y lalong nagdudulot ng pahirap sa mga ordinaryong mamayan.

Read more...