Ito ang inihayag ng Armed Forces of the Philippines kasunod ng kagustuhan ng Pangulong Rodrigo Duterte na pansamantalang pagpapaliban sa usaping pangkapayapaan sa Communist Party of the Philippines -New Peoples Army (CPP-NPA).
Ayon kay AFP Spokesperson Col. Edgard Arevalo, may basehan ang Pangulo sa kanyang desisyon dahil mas magiging katangap tangap sa publiko ang pag-uusap kung mas mahaba ang pag-aaral dito.
Sa kabila nito ay umaasa naman ang kanilang hanay na sa ganitong paraan ay mas makakamit ang matagal nang inaasam na pangmatagalang kapayapaan resulta ng pakikipagpulong at pag-aaral.
Sa ngayon, sinabi ni Arevalo na magpapatuloy ang AFP sa pagtupad ng kanilang sinumpaang tungkulin na pangalagaan ang publiko, siguruhin ang kapayapaan, at panatilihing buo at isa ang bansa.
Sa June 28 hanggang June 30 sana ang unang napag-usapang petsa para sa panibagong peacetalks pero ipinagpaliban muna ito.