Agcaoili: Pagpapaliban sa peace talks ipinaalam sa NDF bago pa ianunsyo ng gobyerno

Nilinaw ni National Democratic Front chief negotiator Fidel Agcaoili na ipinaalam sa kanya ang desisyong pagpapaliban sa pagpapatuloy ng peace talks bago pa man ianunsyo ito ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Huwebes.

Sa isang pahayag, sinabi pa ni Agcaoili na hindi kinansela ang usaping pangkapayapaan kundi ipinagpaliban lamang.

“Nagpaabot sila sa akin ng kanilang intensyon o unilateral decision na magkaroon ng adjustments sa schedule na aming napagkasunduan nitong nakaraang informal talks from June 5 to 10. Rescheduled lang,” ani Agcaoili,

Itinakda lamang anya sa ibang araw ang peace talks at maging ang Royal Norwegian Government na siyang facilitator ng peace talks ay alam din ang desisyong ito.

“Kinausap din nila ang Third Party Facilitator, ang Royal Norwegian Government, tungkol sa kanilang decision. Sinabi din ng GRP na magpapadala sila ng team dito sa Netherlands this weekend para ipaliwanag sa amin ang batayan ng kanilang decision at dadalo sa usapan ang Third Party Facilitator,” dagdag pa niya.

Sinabi pa ni Agcaoili na magpapadala ang gobyerno ng kinatawan sa The Netherlands para ipaliwanag ang postponement ng peace talks.

Matatandanag ipinahayag kamakailan ni Presidential peace adviser Jesus Dureza na hindi muna maisasakatuparan ang peace talks sa nakatakdang petsa dahil sa nais munang alamin ng administrasyon ang pulso ng publiko.

Read more...