Sara Duterte mas pipiliing tumakbo sa pagka-Barangay Chairman kaysa senador

Mas pipiliin umano ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na tumakbo sa pagka-barangay chairman kaysa sa senador.

Ito ay sa kabila ng mga alegasyong tatakbo ang alkalde sa mas mataas na posisyon sa 2019 elections.

Sa kanyang talumpati sa panunumpa ng mga bagong halal na barangay at Sangguniang Kabataan officials sa Cagayan De Oro City, sinabi ni Duterte na mas gusto niyang maging kapitan ng baranggay dahil gusto niyang maglinis ng mga kanal.

Iginiit ni Inday Sara ang kahalagahan ng mga opisyal ng baranggay sa pagpapaunlad ng bansa.

Anya pa, marami pa sana siyang gustong gawin para sa kanyang sariling baranggay ngunit malungkot anya siya na ilan sa mga opisyal sa kanyang baranggay ay hindi sumusuporta sa kanyang mga programa.

Ang pahayag na ito ng alkalde ay kanyang inihayag matapos igiit kamakailan ni Sen. Antonio Trillanes na patatakbuhin ni Pangulong Rodrigo Duterte si Sara sa pagkapangulo sa 2022 upang mapanatili ang kanilang pamilya sa kapangyarihan

Read more...