Heavy Rainfall Warning itinaas ng PAGASA sa ilang mga lugar

Patuloy pa ring hinahatak ng Tropical Depression sa labas ng bansa ang hanging habagat na nagdadala ng pag-ulan sa ilang bahagi ng Luzon.

Sa 5am rainfall advisory ng PAGASA, itinaas ang Orange Warning Level sa Bataan at Southern Zambales.

Ibinabala ang banta ng pagbaha sa mga naturang lalawigan.

Yellow Warning Level naman ang nakataas sa Northern Zambales at Pampanga kung saan posible ang pagbaha sa mga mabababang lugar.

Samantala, mararanasan naman ang mahina hanggang sa katamtaman na may minsan-minsan ay malalakas nap ag-ulan sa Cavite, Bulacan, Batangas, Tarlac at Nueva Ecija na posibleng magtagal ng dalawa hanggang tatlong oras.

Pinapayuhan ang publiko at ang Disaster Risk Reduction and Management Councils na patuloy na bantayan ang lagay ng panahon at antabayanan ang susunod na advisory ng weather bureau mamayang alas-8 ng umaga.

Read more...