Kapitan ng barangay sa Palawan patay makaraang manlaban sa mga pulis

Patay ang isang kapitan ng barangay sa Mangsee Island sa Palawan matapos manlaban nang siya ay aarestuhin ng mga pulis Biyernes ng madaling araw.

Ayon sa Palawan provincial police office, ang Barangay captain na si Pistoh Hamja ay nabaril ng mga pulis, matapos itong tangkang mang-agaw ng armas ng isang pulis.

Sisilbihan sana ng warrant of arrest ang kapitan para sa kasong may kaugnayan sa ilegal na droga.

Ayon kay Senior Supt. Gabriel Lopez, Palawan police chief, naaresto naman ang tatlong iba pang kasamahan ni Hamja.

Kinilala ang mga itong sina Ested Alsanol Ladjabungso Jamil, Amerto Bismani Bismani, at Taypong Albab Makaniral pawang residente ng Mangsee Island.

Nakuha mula sa mga suspek ang tatlong sachet ng shabu.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...