Sen. Trillanes kumasa sa hamon na one-one-one ni SAP Bong Go

“Sige, one on one kami!”

‘Yan ang deklarasyon ni Senador Antonio Trillanes IV bilang pagtanggap sa hamon ni Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go na magharap sila, kahit ano o kahit saan.

Sa isang statement, sinabi ni Trillanes na magpirmahan daw sila ng waiver ni Go.

Banat pa ni Trillanes, wala raw problema kung kahit isama pa ni Go ang amo nito na si Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa sabayang pagpirma sa waiver, magkaka-alaman aniya ng kani-kanilang bank accounts at iba pang assets.

Mababatid din uman kung saan galing ang yaman ni Go, lalo’t nabanggit noon ni Pangulong Duterte na bilyonaryo ang kanyang alalay.

Matatandaan na inakusahan ni Trillanes si Pangulong Duterte ng pagtatago ng yaman at nagpapanggap lamang na mahirap.

Binatikos din ng senador ang mga plano ni Go na pagtakbo sa senatorial elections sa 2019, makaraang magsulputan ang mga tarpaulins ng SAP at madalas na paglilibot nito sa iba’t ibang lugar sa bansa.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...