Tatlong drug suspects kabilang ang isang kagawad ng barangay patay sa engwekntro sa mga pulis sa Koronadal

Police banner

Tatlong drug suspects ang nasawi kabilang ang isang barangay kagawad sa magkahiwalay na anti-illegal drugs operation sa Koronadal City.

Ayon kay Chief Supt. Marcelo Morales, Central Mindanao police director, nasawi ang mga suspek na sina Jaime Sunga, Reynaldo Navarro at John Erwin Magbanua na pawang residente ng sa Barangay New Pangasinan.

Ani Morales, isisilbi ng mga tauhan ng Regional Police Drug Enforcement Unit (RPDU) ang search warrants alas 2:00 ng madaling araw.

Nang papalapit na sila sa bahay ni Sunga na incumbent barangay kagawad ay pinaputukan sila ng bala.

Nakipagpalitan naman ng putok ang mga pulis dahilan para masawi sina Sunga at Navarro, habang nakatakas ang isa pang suspek na si Erwin John Cabrido.

Sa hiwalay na imbestigasyon na isinagawa sa Megalland Subdivision sa parehong barangay pinaputukan naman ng suspek na si Magbanua ang mga papalapit na pulis.

Napatay si Magbanua matapos gumanti ng putok ang mga otoridad.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...