Umabot sa 36,000 na mga vendors ang napaalis ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga lugar sa Metro Manila na bawal ang pagtitinda.
Sa ulat ng MMDA, noong taong 2017, umabot sa 36,621 illegal vendors ang naialis sa mga pangunahing lansangan, mas mataas ito ng 300% kumpara sa 9,215 na illegal vendors na napaalis nila sa lansangan noong 2016.
Ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia, karamihan sa mga vendors ay hindi naman pinaalis talaga sa lugar at sa halip ay inatasan lang na alisin ang mga paninda nilang lumagpas sa itinakdang pwesto.
Ang mga vendor naman na ang pwesto ay talagang nasa bawal na lugar, nakipag-ugnayan ang MMDA sa lokal na pamahalaan para sila ay ma-relocate.
READ NEXT
Davao del Norte Rep. Antonio Floirendo pinasususpinde sa Sandiganbayan kaugnay sa kinakaharap na kasong graft
MOST READ
LATEST STORIES