Davao del Norte Rep. Antonio Floirendo pinasususpinde sa Sandiganbayan kaugnay sa kinakaharap na kasong graft

Hiniling ng prosekusyon sa Sandiganbayan 6th division na patawan ng “preventive suspension” si Davao del Norte Rep. Antonio “Tonyboy” Floirendo, na nahaharap sa kasong graft kaugnay sa isyu ng Tagum Agricultural Development Company o TADECO.

Iginiit ng prosekusyon na dapat masuspinde si Floreindo bilang miyembro ng Mababang Kapulungan.

Batay anila sa Section 13 ng Republic Sct 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act, ang sinumang incumbent public officer na nahaharap sa kasong may “valid information” o nadadawit sa katiwalian sa gobyerno ay nararapat na masuspinde.

Naniniwala ang prosekusyon na ang suspension order laban kay Floirendo ay makakatulong upang mapigilan na maimpluwensyahan ang mga testigo habang nakabinbin sa korte ang kaso.

Ang graft charges kontra kay Floirendo ay isinimpa ng dati nitong matalik na kaibigan na si House Speaker Pantaleon Alvarez.

Sa alegasyon nito, pumasok ang pamilya Floirendo sa isang joint venture agreement o JVA sa Bureau of Corrections para sa paggamit ng lupaing pag-aari ng Davao Penal Colony bilang taniman o planta ng saging.

Nakitaan ng Office of the Ombudsman ng probable cause para mai-akyat ang isyu sa Sandiganbayan, sa katwirang may interes si Floirendo sa negosyo habang nasa public office.

Base sa Ombudsman, aabot sa P7.5 million ang shares ni Floirendo sa TADECO nang i-renew ang JVA sa BuCor.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...