Heavy rainfall warning nakataas pa rin sa Zambales at Bataan

Nananatiling malakas at tuluy-tuloy ang nararanasang pag-ulan sa lalawigan ng Zambales at Bataan.

Base sa 2:00PM rainfall advisory na inilabas ng PAGASA, nakataas ang yellow warning level sa dalawang lalawigan bunsod ng pag-ulan na dulot ng habagat na pinalalakas ng bagyong Ester.

Ayon sa PAGASA, posibleng makaranas ng pagbaha ang mga residente sa nasabing lalawigan na nakatira sa mabababang lugar.

Samantala, malakas na buhos ng ulan naman na may kaakibat na pagkulog, kidlat at malakas na hangin ang mararanasan sa Metro Manila, Tarlac, Nueva Ecija, Pampanga, Bulacan, Cavite, Laguna at Batangas.

Muling maglalabas ng rainfall advisory ang PAGASA mamayang alas 5:00 ng hapon.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...