Mga kandidato para maging susunod na Ombudsman isasailalim na sa panayam ng JBC sa June 20

Itinakda sa susunod na linggo ng Judicial and Bar Council (JBC) ang pagsasagawa ng public panel interview sa mga kandidato para maging bagong Ombudsman na mababakante sa pagreretiro ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales sa July 26.

Siyam na kandidato para sa posisyon ang sasailalim sa panayam ng screening body mula alas 9:00 ng umaga sa June 20, araw ng Miyerkules.

Unang sasalang sa panel interview si Labor Secretary Silvestre Bello III na susundan ni Sandiganbayan Associate Justice Efren dela Cruz at mga abogadong sina Edna Herrera-Batacan, Rey Nathaniel Ifurung, at Rainier Madrid.

Kasama ding sasalang sa panayam si SC Associate Justice Samuel Martires na nakatakdang magretiro sa Korte Suprema sa January 2019.

Susundan siya nina Felito Ramirez, Rex Rico at Special Prosecutor Edilberto Sandoval.

Isa pang kandidato para sa pwesto ay si Davao judge Carlos Espero II na hindi naman na isasailalim sa panayam dahil ang interview sa kaniya bilang kandidato rin sa pagiging associate justice ng Korte Suprema.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...