Bagyong Lando, bahagyang humina

Bahagyang humina ang Bagyong Lando dahil mula sa naunang 150 kph, mayroon na lamang itong lakas na 130 kph at pagbugsong aabot sa 160 kph.

Huli itong namataan sa bisinidad ng Tinoc, Ifugao at inaasahan itong kikilos patungo sa direksyong hilaga hilagang-kanluran nang may bilis lamang na 5 kph.

Samantala, nakataas pa rin ang public storm warning signal no. 3 sa Benguet, Ilocos Sur, La Union, Ilocos Norte at Abra.

Signal no. 2 naman sa Pangasinan, Zambales, Nueva Vizcaya, Ifugao, Mt. Province, Kalinga, Apayao, at Tarlac.

Habang signal no. 1 naman sa Bataan, Pampanga, Bulacan, Nueva Ecija, Northern Quezon, Quirino, Aurora, Isabela, Cagayan kabilang na ang Calayana at Babuyan group of Islands, Batanes, at Metro Manila.

Read more...