Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Soliman na aabot sa 196,000 food packs ang naihanda ng DSWD bago pa man ang pagtama ng bagyo.
Nasa 40,000 food packs naman ang ready na ring dalhin sa mga lugar na labis ang pangangailangan o matinding sinalanta ng bagyo.
Ang laman aniya ng food packs ay anim na kilong bigas, ilang de lata gaya ng sardinas, meat loaf at corned beef pati na mga kape.
Sakali namang maging ganap na bagyo ang isa pang nakaambang sama ng panahon ng PAGASA, sinabi ni Soliman na sapat ang resources ng kagawaran at maaari rin aniyang kumuha ng dagdag na budget sa calamity funds sakaling kapusin.