Sa abiso ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at Metro Manila Development Authority (MMDA) sisimulan ang road reblocking alas 11:00 ng gabi at tatagal hanggang alas 5:00 ng umaga sa Lunes, June 18.
Kabilang sa maaapektuhan ang mga sumusunod na kalsada:
Sa southbound
- EDSA pagkalagpas ng Arayat St., third lane mula sa sidewalk
- EDSA sa harap ng Francesca Tower hanggang makalagpas ng Sct. Borromeo, third lane mula sa center island
Sa northbound
- EDSA malapit sa North Ave., MRT Station, second lane
- Batasan Road, Commonwealth Ave., hanggang Kalinisan St., second lane
- H Lacson Ave., malapit sa España
Pinayuhan naman ng MMDA ang mga motorista na iwasan ang nasabing mga lansangan para hindi maabala.
MOST READ
LATEST STORIES