Post calamity assistance para sa mga manggagawang apektado ng bagyo, inilalatag na

inilikasPinakikilos na ni Labor Secretary Rosalinda Baldoz ang mga regional offices ng kagawaran sa mga lugar na apektado ng Bagyong Lando.

Kaugnay nito, inatasan ni Baldoz ang mga DOLE Regional Directors sa NCR, Cordillera Administrative Region, Regions 1, 2, 3 4 at 5 na buhaying muli ang quick response team sa kanilang nasasakupan at para maglatag ng post-calamity assistance sa mga manggagawang masasalanta ng bagyo.

Pangunahing magiging responsibilidad ng bubuhaying quick reaction team ay ang paghahatid ng package of assistance sa mga manggagawang mawawalan ng trabaho o masasalanta ng bagyo at kabilang na ayudang ipagkakalaoob ay ang pagkakaloob ng counseling, pagproseso sa separation pay ng manggagawa, pagtulong na makahanap ng ibang trabaho ang manggagawa at pagbibigay ng assistance para makakuha ng loan mula sa SSS.

Inabisuhan din ng DOLE ang kanilaing mga regional offices na mahigpit na makipag-ugnayan sa kani-kanilang mga regional disaster risk reduction and management councils pati na sa mga lokal na pamahalaan at maging sa PAGASA.

Read more...