2 patay 1 sugatan matapos tamaan ng kidlat sa Zamboanga

Dalawang katao ang nasawi habang sugatan ang isa pa matapos tamaan ng kidlat sa Payao, Zamboanga Sibugay.

Nakilala ang mga nasawi na sina Ranilo Navarro Sr. – 29 anyos at Michael Castillo, 27 anyos habang malubha namang nasugatan si Eric Labao Dela Cruz, 22 anyos at ginagamot sa Lancheta Hosptial.

Sa ulat ng Police Regional Office 9, naganap ang insidente sa Brgy. Bulawan sa nasabing bayan.

Nagsasaka umano ang tatlo Huwebes ng hapon nang biglang buhos ang malakas na ulan.

Sumilong muna sila pero biglang kumidlat ng malakas at tinamaan ang mga biktima.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...