Sanctions ng US Sa North Korea mananatili hangga’t hindi nakukumpleto ang denuclearization nito

Mananatili ang mga ipinataw na ‘sanctions’ ng Estados Unidos sa North Korea hangga’t hindi nito natatapos ang pangakong denuclearization.

Ayon kay US Secretary of State Mike Pompeo, sa sandaling makumpleto ang denuclearization ng NoKor ay saka aalisin ang mga nakapataw na sanctions.

Ani Pompeo, committed naman ang North Korea na isuko ang kanilang nuclear arsenal pero hindi lingid sa kanilang kaalaman na ito ay dadaan sa proseso at hindi ito madaling maipatutupad.

Aniya, maging si North Korean leader Kim Jong Un ay nauunawaan na maaalis lang ang US sanctions kapag nagawa na ang denuclearization.

Ginawa ni Pompeo ang pahayag sa katatapos niyang pakikipagpulong kay South Korean president Moon Jae-in at sa foreign minister ng Japan na ginanap sa Seoul.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...