Ginang patay sa pamamaril sa Maynila

Patay ang isang babae makaraang tambangan sa bahagi ng Sta. Ana sa Maynila.

Ang biktima ay tinatayang nasa edad 50 anyos.

Ayon sa ilang nakasaksi nakasakay sa kotse ang suspek na namarali sa biktima habang ito ay nasa bahagi ng New Panaderos Street.

Naisugod pa sa ospital ang babae pero binawian din ng buhay kalaunan.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad sa motibo sa pamamaslang.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...