Empleyado ng City Hall sa Maynila arestado matapos mahulihan ng baril

Arestado ang isang lalaki na empleyado ng Manila City Hall matapos mahulihan ng baril habang nasa loob ng beerhouse sa Tondo, Maynila.

Nagsagawa ng “Oplan Bakal” ang mga tauhan ng Manila Police District (MPD) nang matyempuhan ang suspek at nakita ang kaniyang baril.

Kinilala ang lalaki na si Rodelio T. Reyes na residente ng Tondo.

Base sa ID na nakuha kay Reyes, siya ay nagtatrabaho sa Manila City Hall at nakatalaga sa Department of Engineering and Public Works.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...