DOLE, nagpaalala ng tamang pay rules ngayong Eid’l Fitr Holiday

Nagpapalala ang Department of Labor and Employment sa mga may ari ng kumpanya ng tamang pay rules sa kanilang mga empleyado ngayong Eid’l Fitr Holiday.

Ito ay base na rin sa umiiral na Labor Advisory No. 9 na nagtatakada na sa unang walong oras ay 200% dapat ang ibabayad sa pumasok sa empleyado at kapag lumampas ay may dagdag na 30% na hourly rate.

Kapag tumapat sa rest day o day off pero pumasok ang empleyado ay babayaran siya ng karagdagang 30% mula sa kaniyang daily rate na 200%, kung humigit sa walong oras ang duty ay mayroong 30% na hourly rate.

Habang mababayaran pa rin naman ang 100% ng sahod sa araw na ito kahit hindi pumasok ang empleyado.

Matatandaan na nitong June 6, nilgdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Proclamation 514 na nagdedeklara sa June 15 bilang regular holiday.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...