Ginamit umano nila ang kanilang nonprofit na charity foundation sa nagdaang 2016 presidential elections.
Hiniling ni Attorney General Barbara Underwood sa New York State Judge na ipag-utos ang pagbuwag sa “Donald J. Trump Foundation” at patawan ng ban si Trump at mga anak na sina Donald Jr., Eric at Ivanka sa pamumuno sa anomang charity foundation sa New York.
Ayon kay Underwood, matapos ang 21 buwang imbestigasyon ng kaniyang tanggapan, natuklasan ang “extensive unlawful political coordination” ng naturang foundation sa kampanya ni Trump.
Kabilang sa transaksyon ang ilegal na pagbabayad ng 10,000 dollars sa Unicorn Children’s Foundation para sa isang portrait ni Trump na binili sa isang fundraising auction.
Noong 2017 nagbigay din ng $100,000 para sa charity upang iayos ang legal dispute kaugnay sa flagpole na itinayo na sinasabing lumabag sa local ordinance sa Mar-a-Lago na private beach club ni Trump.
Inihain ang reklamo kasabay sa pagdiriwang ng ika-72 kaarawan ni Trump.