Pagtatapos ng holy month of Ramadan ipinagdiriwang ngayong araw

Radyo Inquirer File Photo

Ipinagdiriwang ngayong araw ng Muslim Community ang Eid’l Fitr o pagtatapos ng Ramadan.

Ito ay makaraang magkaroon na kahaponng moon sighting sa Indonesia.

Dahil dito idineklara ang araw na ito, June 15 para sa opisyal na pagtatapos ng Ramadan at petsa para sa Eid’l Fitr congregational prayer.

Deklarado ring non-working holiday ang araw na ito sa buong bansa.

Samantala, maagang nagtipun-tipon ang mga muslim sa Blue Mosque sa Taguig City para sa selebrasyon ng Eid’l Fitr o pagtatapos ng holy month of Ramadan.

Sa Blue Mosque sa Maharlika Village sa Taguig, maaga pa lamang ay nagsama-sama na ang daan-daang Filipino-Muslims para sa early morning congregational prayer.

Ang nasabing pananalangin ay bahagi ng selebrasyon ng pagtatapos ng Ramadan.

Nagtalaga naman ng 70 police personnel ang Southern Police District sa lugar para magpanatili ng seguridad at kapayapaan.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...