Carpio handang hindi maging CJ maipagtanggol lang ang soberanya ng bansa

Hindi nababahala si Acting Chief Justice Antonio Carpio na mawalan siya ng tyansa na maging permanenteng Punong Mahistrado ng Korte Suprema dahil sa kanyang adbokasiya na ipagtanggol ang bansa sa territorial dispute nito sa China.

Si Carpio na siyang ‘most senior’ sa lahat ng associate justices ay ang pinakamalakas na kandidato para palitan ang napatalsik na si Maria Lourdes Sereno.

Gayunman, ang desisyon para maging susunod na Punong Mahistrado ay nasa kamay ni Pangulong Rodrigo Duterte na may malambot na tugon sa isyu ng teritoryo sa China.

Sa isang panayam, sinabi ni Carpio na mas mahalagang mapangalagaan ang soberanya at ang sovereign rights ng Pilipinas sa mga pinag-aagawang mga teritoryo.

Anya, kapag natalo ang bansa sa isyung ito ay hindi na ito mababawi pa ng Pilipinas kailanman.

Mas mahalaga anya ang pagtatanggol sa soberanya sa kahit anong posisyon sa gobyerno maging sa pagiging pangulo ng Pilipinas.

Ayon kay Carpio ang presidente ay napapalitan ngunit ang soberanya ay dapat manatili sa Pilipinas kailanman.

“What is more important for the nation is that we preserve our sovereignty and sovereign rights because if we lose this [territorial dispute], we lose that [territories] forever. That’s far more important than any position. That’s far more important than the presidency. I mean, the president can come and go but our sovereignty should remain forever with us,” ani Carpio.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...