Gayunman, ang Habagat na pinalalakas ng bagyo ay makapagpapaulan pa rin sa malaking bahagi ng Luzon.
Sa 4AM weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa 325 kilometers North Northwest ng Basco, Batanes.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 90 kilometers bawat oras.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 13 kilometers bawat oras sa direksyong Northeast.
Ayon sa PAGASA, inalis na nila ang signal number 1 na naunang itinaas sa lalawigan ng Batanes.
Kahit naman papalayo na ng bansa, patuloy nitong palalakasin ang Habagat na magpapaulan sa Batanes, Babuyan Group of Islands, Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Tarlac, Pampanga, Zambales at Bataan.
Habang mahina hanggang sa katamtaman at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan ang mararanasan sa Metro Manila, CALABARZON, MIMAROPA at nalalabing bahagi ng Cagayan Valley at Central Luzon.
Inaasahan namang mamayang gabi o bukas ay lalabas na ng bansa ang bagyong Ester.