Team 48 Response, naghatid ng rescue at impormasyon tungkol sa bagyo gamit ang Facebook

bgy ipil bagyong lando
Baha sa Brgy. Ipil Ipil, Aurora | Courtesy of Team 48 Response

Naging kapansin-pansin sa social media partikular na sa Facebook, ang mga posts at litratong ibinabahagi ng isang grupo na maya’t mayang naghahatid ng mga impormasyong may kaugnayan sa mga epekto ng bagyong Lando.

Sa pamamagitan ng kanilang Facebook page, ang Team 48 Response ay nagbabahagi ng mga litratong personal na kinukuhanan ng kanilang mga miyembro para maipakita sa mga tao kung anu-ano na ang mga pinakahuling kaganapan sa kasagsagan ng bagyong nananalasa sa bansa.

Ang Team 48 Response ay isang organisasyon ng mga skilled rapid response volunteers na naglalayong gamitin ang kanilang mga kakayahan para mag-hatid ng tulong bago pa man tuluyang lumala ang mga epekto ng masamang panahon.

Nagbibigay sila ng mga kritikal na impormasyon ukol sa panahon, situational reports at pagsusuri sa mga naganap na insidente upang makatulong sa paggawa ng desisyon ng mga pinuno ng mga lokal na pamahalaan.

Dahil dito, mas mapapadali at mas mapapabilis ang pagresponde ng iba pang mga hanay mula sa gobyerno na parating pa lang para magbigay ng tulong, at para mabawasan o maiwasan na may masawing mga buhay dahil sa sakuna.

Makikita ang kanilang mga updates sa kanilang page na www.facebook.com/team48response .

Kasalukuyang binabaybay ng grupo ang probinsya ng Aurora upang magbigay tulong sa mga nangangailangan.

Read more...