Secretary Bong Go pinasaringan si Senadora Leila de Lima

Binuweltahan ni Special Assistant to the President (SAP) Secretary Bong Go si Senadora Leila de Lima matapos iugnay ng senadora ang administrasyong Duterte na may kinalaman sa mga pagpatay sa mga pari.

Ayon sa kalihim, sa lahat na lamang ng nangyayari sa bansa ay binibintang ng senadora ito kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Imbes na pagbatikos ang gawin ng mga kritiko ng pamahalaan, umapela si Go na tumulong na lamang ang mga ito sa mga mahihirap na Pilipino.

Samantala, tiniyak naman ni Go na nag-iimbestiga na ang China hinggil sa nangyari sa mga mangingisda sa West Philippine Sea.

Read more...