Mga tambay paghihigpitan na ng PNP

Mahigpit ang bilin ni Philippine National Police (PNP) Chief, Director General Oscar Albayalde sa mga pulis na ipatupad ang mga city ordinance na may kinalaman sa mga tambay sa kalsada.

Ito ay matapos na magbigay ng direktiba si Pangulong Rodrigo Duterte na ipahuli ang mga tambay sa mga lansangan.

Ayon naman kay Quezon City Mayor Herbert Bautista, hindi na bago ang direktiba ng pangulo na ipagbawal ang mga tambay sa lansangan, dahil may mga ordinansa silang ipinatutupad tungkol dito.

Samantala namahagi naman ang Quezon City local government sa Quezon City Police District (QCPD) ng mga bagong sasakyan at mahigit 100 assault riffle.

Read more...