Sea snail sinisira ang mga bahura sa Albay Gulf; mga isda sa Lake Lanao namamatay dahil sa kakulangan ng oxygen

Nababahala ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa pagdami ng sea snail sa Tagbon Reef na matatagpuan sa Barangay Puro sa Albay Gulf.

Ayon sa DENR, ang pagdami ng sea snail ay banta sa marine biodiversity conservation dahil sinisira ng mga ito ang mga bahura sa lugar na nagsisilbing tahanan ng mga isda at iba pang lamang dagat.

Dahil dito, nagsanib-pwersa na ang iba’t ibang mga ahensya ng pamahalaan upang manu-manong sisirin at tanggalin ang mga sea snail.

Ayon kay DENR Region 5 Coastal Resource Foreshore Management section chief, Ma. Rosa Vida Onrubia, ang pagdami ng mga sea snail sa Tagbon Reef ay dahil sa pagbabago ng temperatura, alat, at ecotourism sa nasabing lugar.

Samantala, sa Lake Lanao naman ay halos isang buwan nang namamatay ang mga isda.

Ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources – Autonomous Region in Muslim Mindanao (BFAR-ARMM) kakulangan sa oxygen sa tubig ng Lake Lanao ang dahilan ng fish kill.

Paliwanag ng ahensya, ang mababang lebel ng oxygen ay bunsod ng matagal na panahon ng tag-init na naranasan sa rehiyon.

Sa kanilang datos, aabot na sa 200 kilo ng tilapia ang namamatay dahil dito.

Pero ayon sa BFAR, natural occurence ang fish kill kaya naman walang dapat ikabahal ang publiko tungkol dito.

Ngunit paalala pa rin ng mga otoridad, huwag kainin ang mga isda na namatay.

Read more...